12-anyos tinikman ng BF

December 6, 2022 by No Comments

Swak sa piitan ang 20-anyos na binata nang pagsamantalahan ang 12-anyos pa lamang niyang girlfriend sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Ang suspek ay nakilalang si Billy Joe Rosales Burce, taga-Brgy Doña Imelda, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station PS-11, ala-una ng madaling-araw (December 4), nang maganap ang insidente.

Sa imbestigasyon ni PCpl Cynthia Limmid, ng PS-11 Women and Children Concern Section, ang suspek at ang biktima ay 1-buwan nang may relasyon.

Ayon sa ina ng biktima, dahil wala pa sa bahay ang anak ay nag-message ito sa cellphone na umuwi na.

Sumagot naman ang bata na pauwi na pero ilang oras na ang nakalipas ay wala pa kaya hinanap na ng ina at pinuntahan sa bahay ng suspek nang malamang doon ito huli itong namataan.

Agad namang nagsumbong ang biktima na pinagsamantalahan siya ng boyfriend dahilan upang ireklamo ang binata sa mga opisyal ng Brgy. Doña Imelda at dinampot ito. (Dolly Cabreza)

The post 12-anyos tinikman ng BF first appeared on Abante Tonite.