2 komunistang-militante na bebot sumurender

November 18, 2022 by No Comments

Dalawang babae na kasapi ng Anakbayan-Bay, Laguna na kabilang sa Communist Terrorist Group-Front Organization (CFO) ang nagbalik-loob sa pamahalaan kamakalawa.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang pagsuko nina alyas “Lendy”, 25 ; at “Mariz”, 28, ay kaugnay sa mga impormasyong ibinigay ng mga dating sumurender na kasamahan at ka-grupo sa Anakbayan.

Magkasama ang Intelligence Unit ng Laguna Police at Poblacion Sub station, Makati sa pagsundo sa dalawa bandang alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkules, sa Barangay Tranca, Bay, Laguna.

“We are dedicated in protecting NCR from insurgency, to completely counter this vile idea, and shielding young minds from communist doctrines that have been threatening peace and order in our country for decades,” pahayag ni Estomo. (Betchai Julian)

The post 2 komunistang-militante na bebot sumurender first appeared on Abante Tonite.