40 motorsiklo kinatay, 3 timbog

December 21, 2022 by No Comments

TINATAYANG apatnapu na mga chop-chop motorcycle parts ang narekober sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang motornapper sa Bacoor City Cavite, Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na sina Jose Marie Dela Cruz, 26; Marlon Asi, 25 at Carl Michael Manalo, 23, habang pinaghahanap si Victor Espiritu alyas Vic dahil sa reklamo ni Jason Ducay, 24, isang checker, ng Brgy Queesrow West Bacoor City Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Roberto Lacasa, ng Bacoor City Police, nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek matapos magreklamo si Ducay na tinangay ang kanyang motorsiklo sa parking lot ng Mang Inasal, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga barangay officials at sa pamagitan ng CCTV backtracking, ginalugad ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa mga suspek ang tinatayang mahigit 40 kinatay na motorsiklo. (Gene Adsuara)

The post 40 motorsiklo kinatay, 3 timbog first appeared on Abante Tonite.