Becky Aguila ‘ipapasa’ kay Katrina ang career nina Jennylyn, Andrea, Beauty

December 4, 2022 by No Comments

Mas bongga ang paparating na 2023 para sa Aguila Entertainment dahil mas palalawakin pa ang ahensya sa pamumuno ni Katrina Aguila bilang CEO.

Mukhang ipapasa na nga nga ng veteran celebrity manager na si Tita Becky Aguila ang korona sa kanyang artistahin ding anak.

“Matagal na naming gusto i-grow ang agency and now is the time,” sabi ni Tita Becky. “I trust Kat to take it to the next level.”

Isa sa mga isusulong ni Kat ang pagpapalawig pa ng negosyo bukod pa sa pagmamanage ng karera ng mga artista.

“Sobrang nag-iba na ang landscape ng showbiz and syempre we want to adapt and continue the legacy of my mom na isa talaga sa kumbaga OG na talent managers. Aside from growing our stable of artists, we also want to expand our services to explore other business opportunities for the agency,” sabi ni Katrina.

Graduate ng cum laude sa kursong BS Psychology sa University of Santo Tomas si Katrina at may masters degree pa sa Ateneo De Manila University. Dala ni Kat ang mahigit 15 taon ng experience ng pagiging isang talent manager at responsable para sa paglago ng karera nina Jennylyn Mercado, Empress Schuck, at Andrea Brillantes.

Dagdag pa ni Tita Becky, makakasama rin ni Katrina sa lalo pang pagpapalaki ng Aguila Entertainment ang kanilang bagong general manager at former ABS-CBN PR Head na si Jan Enriquez.

Si Jan ay nagtapos ng kursong AB Journalism sa University of Santo Tomas may dalang 15 taon ng experience sa larangan ng PR at marketing. Mahigit sampung taon sya naging isang Kapamilya at nanungkulan din bilang Content Head ng streaming platform na POPTV.

Sa ngayon, nasa ilalim ng pamamahala ng Aguila Entertainment sina Jennylyn Mercado, Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Empress Schuck, Valerie Concepcion, Sheena Halili, Stephanie Sol, Karel Marquez, Dianne Medina, Angelic Guzman, Bianca Rufino, Nikko Natividad, Jon Lucas, Mikoy Morales, Nico Antonio, Alex Medina, Neil Coleta, Mart Escudero, at Phytos Ramirez.

The post Becky Aguila ‘ipapasa’ kay Katrina ang career nina Jennylyn, Andrea, Beauty first appeared on Abante Tonite.