BFAR gigisahin ng Senado sa pompano, salmon ban

December 4, 2022 by No Comments

Dapat ituloy ng Senado ang pag-iimbestiga sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahit nag-utos ng moratorium ang ahensya sa pagbabawal ng pagbebenta ng pompano at salmon sa mga palengke, ayon kay Senador Francis T olentino.

Aniya, hindi lang ang Fisheries Administrative Order No. 195 ang dapat na silipin ng Senate committee on agriculture kundi ang iba pang isyu laban sa BFAR.

“Lahat ng isyu sa BFAR dapat masilip iyan, lalo na ang kanilang mga kautusan,” ani Tolentino.

Kinuwestyon ng senador kung bakit biglang ipinatupad ng BFAR ang FAO No. 195 na may 23 taon nang inilabas.

“Nakakagulat lang biglang implementasyon ng FAO No. 195, kasi Christmas season tapos ili-limit lamang sa canning and processing. Ang mga tao, deserving naman na kumain ng pompano at salmon, so very discriminatory ang kautusang ito,” sabi ni Tolentino.

Bagamat tinigil aniya ng BFAR ang implementasyon ng naturang kautusan, naniniwala si Tolentino na panahon na para baguhin ito ng ahensya.

“Kahit na may moratorium na, para maiwasan na ito in the future, dapat malaman kung anong basis nila bakit in-implement ito. Bakit hindi ni-revise, bakit itinapat sa closed fishing season?” ayon pa sa senador.

Gusto rin ni Tolentino na ipaliwanag ng BFAR kung bakit nagsabay-sabay aniya ang pagpapatupad ng FAO No. 195 sa closed fishing season at sa planong pag-angkat ng 25,000 tolenalda ng galunggong.

Taong 1999 pa inisyu ang FAO No. 195 subalit ngayon lamang ito nakukuwestiyon.

Sisimulan sanang ipatupad ang kautusan noong Disyembre 4 subalit nagpasya ang ahensya na ipagpaliban ito matapos na kuwestiyon sila ng mga mambabatas.

Nag-utos na rin si Ombudsman Samuel Martires ng imbestigasyon sa biglang implementasyon ng FAO 195 na 1999 pa inisyu ng ahensya.

The post BFAR gigisahin ng Senado sa pompano, salmon ban first appeared on Abante Tonite.