Dalagita nagbuwis-buhay sa assignment

December 13, 2022 by No Comments

Patay ang isang high school student na babae na kukuha lang ng assignment matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa ilog sa Barangay Cabisera 6-24, Ilagan City, Isabela.

Sa ulat ng Ilagan City Police Station (ICPS), nabatid na kasama ng biktima ang kanyang pinsan patungo sa isang barangay sa Ilagan City na nagpasama upang kumuha umano ng school assignment.

Sumakay sila ng bangka na luma na umano at may mga butas na at noong nasa gitna na sila ng ilog ay naramdaman nila ang malakas na hangin at nagpaikot-ikot ang bangka bago tumaob.

Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang ang katawan ng biktima sa layong dalawang daang metro mula sa lugar kung saan sila nahulog. (Allan Bergonia)

The post Dalagita nagbuwis-buhay sa assignment first appeared on Abante Tonite.