John Anthony Amores peke ang tapang, iyakin pala

November 11, 2022 by No Comments

Viral sa kasalukuyan ang video ng paghagulgol ni John Anthony Amores sa dugout matapos niyang mag-amok at manapak sa rematch ng Jose Rizal University Heavy Bombers at College of Saint Benilde Blazers sa 98th NCAA 2022 seniors basketball tourney second round elims noong Martes sa The Arena sa San Juan.

Sa Facebook page ng NCAA Philippines, ibinahagi ang footage ng GMA kung saan makikitang kinakalma si Amores sa walang tigil na paghagulgol.

Pinatawan na siya ng indefinite suspension ng liga at JRU matapos manuntok ng apat na CSB player na nauwi sa pagtigil ng laro may 3:22 natitira sa fourth quarter.

Kinasuhan na rin Biyernes ng physical injuries nina Benilde players Jimboy Pasturan at Taine Davis sa San Juan Prosecutor’s Office. (Issa Santiago)

The post John Anthony Amores peke ang tapang, iyakin pala first appeared on Abante Tonite.