Jovit Baldivino pumutok ugat sa ulo

December 6, 2022 by No Comments

Isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City si ABS CBN’s Pilipinas Got Talent first winner Jovit Baldivino matapos umanong bumagsak habang nasa isang party sa Batangas City, Linggo ng gabi.

Ayon sa source na kaibigan ni Baldovino, naoperahan na ang 29-anyos na singer kahapon ng umaga at nailipat na sa ICU.

Sinasabing may pumutok umanong ugat sa ulo ng singer kung saan posible umanong aneurysm ang sinapit ng singer.

Nakiusap naman ang pamilya-Baldovino ng privacy at tumanggi muna silang magbigay ng pahayag. (Ronilo Dagos)

The post Jovit Baldivino pumutok ugat sa ulo first appeared on Abante Tonite.