Kagawad, dyowa sinalubong ng punglo

December 11, 2022 by No Comments

Binawian ng buhay ang isang barangay kagawad nang salubungin ng bala ng isang rider habang kaangkas  ng biktima sa motorsiklo ang kanyang ka-live in sa Cavite City, Linggo ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Filimon Ambrocio Jr y Santiago, 50, may live-in partner, Barangay Councilor, ng Barangay 54M San Roque, Cavite City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang Yamaha Mio na hindi naplakahan, tinatayang, 5’2″ –  5″5 ang taas, nakaputing t-shirt, itim na jacket, bull cap at maong pants.

Sa ulat ng pulisya, magkaangkas ang biktima at live-in partner nito na si Susan Alejo y Edralin sa kanyang motorsiklo alas-otso Linggo ng umaga nang pagsapit sa R. Basa St., Brgy San Roque Cavite City sa kanto ng E. Mariano St., ay pagbabarilin ng di nakikilalang nakamotorsiklo ring suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cavite police sa kaso at motibo sa pamamaril. (Gene Adsuara) 

The post Kagawad, dyowa sinalubong ng punglo first appeared on Abante Tonite.