Kakarampot lang general, colonel sa droga – PNP chief

January 5, 2023 by No Comments

Wala pang 10 opisyal ng pulisya ang sangkot diumano sa kalakaran ng ilegal na droga, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Pero hindi muna ibinunyag ni Azurin ang pagkakakilanlan ng mga ito, kung ilan ang heneral at colonel, upang mabigyan aniya ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili sa gagawing proseso matapos ang paghain ng courtesy resignation.

“Sabihin natin less than 10 to be specific. Less than 10 persons kaya nga sabi ko it’s unfair. Why don’t we do to the process i-clear individually mga pangalan natin. Hindi `yung very general na mag-accuse `yung accusers natin,” pahayag ni Azurin sa press conference na ginanap sa Camp Crame nitong Huwebes.

“Siguro we have yet to fully determine. We talk in general terms because we are getting na they voluntary subject themselves for them to be cleared also. Bigyan natin sila ng chance to clear their name,” dagdag ng PNP chief.

Sinabi pa ni Azurin na naging malaking problema lang ito dahil hindi lang PNP ang apektado kundi pati na rin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Kung ako titingin diyan sa malaking problema na `yun is `yung problema because affected ang agency namin (PNP), affected ang PDEA. Sabi ko nga kanina these are the agencies tasked to go against the war on drugs and yet meron tayong mga personnel na sangkot,” sabi pa ni Azurin.

Bibigyan ng hanggang Enero 31 ang mga colonel at heneral para sa kanilang courtesy resignation at matapos ang gagawing evaluation sa kanila ng 5- man panel ay ilalabas din sa publiko kung malinis ang isang opisyal sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Ayon pa kay Azurin, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pipili ng 5-man panel at nakapagsumite na siya ng 22 pangalan na maaaring pagpilian ng Malacañang na walang dungis ang rekord habang nasa serbisyo pa sa gobyerno. (Edwin Balasa)

The post Kakarampot lang general, colonel sa droga – PNP chief first appeared on Abante Tonite.