Konsehal sabit sa hinipuang dalaga

November 13, 2022 by No Comments

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness ang isang municipal councilor matapos na ireklamo ng pangmomolestiya ng kanyang kaibigang babae sa Unisan, Quezon.

Ayon sa Unisan Police, ipinagharap ng sakdal ng isang 23-anyos na dalaga ang 51-anyos na konsehal na si Ruel Manalo matapos na paghihipuan umano nito sa maseselang bahagi ng katawan ang biktima habang nag-iinuman sila sa isang bahay sa kanilang barangay noong maghahatinggabi ng Nobyembre 9, Miyerkoles.

Ayon sa pahayag ng dalaga sa pulisya, nakakainom na umano ang suspek nang mangyari ang insidente.

Naisampa na rin nitong Biyernes ang kasong acts of lasciviousness laban sa konsehal. (Ronilo Dagos)

The post Konsehal sabit sa hinipuang dalaga first appeared on Abante Tonite.