Konting sakripisyo bubuhos na bakuna – Palasyo

March 9, 2021 by No Comments

Panay na ang panawagan ng Malacañang sa sambayanang Pilipino para seryosong sundin ang mga pinatutupad na health at safety protocol sa gitna na rin ng panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang paalala at apela ng gobyerno sa publiko para matigil ang pagkalat at mapigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Kaunting sakripisyo na lamang aniya dahil parating na ang malakihang suplay ng bakuna laban sa COVID-19 na magagamit para maturukan ang mayorya ng mga Pilipino.

“Alam ko pagod na pagod na kayo na mag-mask, hugas, iwas at mag-iisang taon na po `no, pero konting antay na lang po dahil nagsimula na po iyong ating pagbabakuna,” dagdag ni Roque.

Samantala, sinabi rin nito na walang nakikitang dahilan ang Malacañang para baguhin ang umiiral na quarantine classification ngayong Marso sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.(Aileen Taliping)

The post Konting sakripisyo bubuhos na bakuna – Palasyo first appeared on Abante Tonite.