Malaysian timbog sa iligal na kalakal

December 20, 2022 by No Comments

INARESTO ng mga awtoridad ang isang Malaysian businessman dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa Zamboanga City.

Sinabi ni Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office director Imran Bin Muhazir na inaresto ang dayuhan ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives sa drug-bust sa Barangay Calarian.

Nakuha mula kay Muhazir, 22, ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P68K, sling bag, 24 piraso ng P1,000 boodle money, mobile phone, Malaysian citizenship documents at wallet na may P4,590 cash.

Sinabi ni Lorenzo na ang suspek ay may mga multiple home addresses kasama ang sa Sabah, Malaysia, Zamboanga City at Bongao, Tawi-Tawi.

“Muhazir kept coming back and forth in the Philippines through illegal entry to sustain his illegal drug business,” sinabi ng PDEA-Zamboanga City sa isang pahayag. (Catherine Reyes)

The post Malaysian timbog sa iligal na kalakal first appeared on Abante Tonite.