Mga Egyptian, Pinoy, Japanese babad sa Pornhub

December 16, 2022 by No Comments

Naungusan na ng Egypt ang Pilipinas sa may pinakamahabang oras nang panonood ng mga adult video sa Pornhub.

Sa kanilang 2022 Year in Review na inilabas nitong Disyembre 8, ang Egypt na ang nangunguna sa panonood sa nabanggit na adult website.

Nabatid na may average na visit duration na 11 minuto at 12 segundo ang mga Egyptian sa panonood sa Pornhub.

Nasa pangalawang puwesto naman ang Pilipinas kasama ang Japan na may average na visit duration na 10 minuto at 59 segundo.

Ang iba pang bansa na kasama sa Top 20 ay ang Germany, Netherlands, France, United Kingdom, Ukraine, Poland, Italy, Belgium, Argentina, United States, Australia, Brazil, Sweden, Canada, Spain, Colombia, at Mexico.

Ayon sa Pornhub, 53% users nito sa Pilipinas ay kababaihan.

Dagdag pa nila na Japanese adult videos ang pinakatampok na category sa viewers sa bansa. (Jan Terence)

The post Mga Egyptian, Pinoy, Japanese babad sa Pornhub first appeared on Abante Tonite.