P400M ibubuhos sa pagawa ng mga binahang iskul – DepEd

January 5, 2023 by No Comments

Kakailanganin ng Department of Education (DepEd) ng higit P400 milyong halaga para sa pagpapaayos ng mga paaralang sinalanta ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa isang Viber message nitong Huwebes, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na nasa P409 milyon ang inisyal na tantiya nila para sa pondong gagamitin sa pagpapagawa ng mga nasirang paaralan.

Kasama na rito ang isang paaralan sa Zamboanga Peninsula, 30 paaralan sa Northern Mindanao at 11 sa rehiyon ng Caraga.

“The schools that are unsafe to operate due to infra (infrastructure) damage, we will provide temporary learning spaces,” wika pa ni Poa.

“Schools that are affected by the halt of in-person classes will temporarily use alternative delivery modes for learners,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, pitong paaralan sa Siargao, Surigao del Norte, at Oroquieta City ang nananatiling evacuate site. (Jan Terence)

The post P400M ibubuhos sa pagawa ng mga binahang iskul – DepEd first appeared on Abante Tonite.