Pagbabawal sa no permit, no exam umusad

December 6, 2022 by No Comments

Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagbabawal sa mga paaralan na huwag pakuhanin ng pagsusulit ang mga estudyante na hindi pa nakakabayad ng matrikula.

Ang House Bill 6483 ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce voting.

“Considering that higher education is imbued with public interest, all HEIs shall adopt appropriate policies to accommodate and allow students who, due to emergencies, force majeure, and good cause or other justifiable reasons, have unsettled financial obligations to take the scheduled periodic examinations,” sabi sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, mayroon namang karapatan ang eskuwelahan na huwag ibigay ang clearance o transfer credential ng estudyante hanggang hindi pa nito nababayaran ang kanyang utang. ­(Billy Begas)

The post Pagbabawal sa no permit, no exam umusad first appeared on Abante Tonite.