Parañaque, pang-anim sa pinakamayang lungsod sa Pinas

March 9, 2021 by No Comments

Nakuha ng Parañaque ang ikaanim na puwesto sa pinakamayamang lungsod sa buong bansa, ayon sa Bureau of Local Government ng Department of Finance.

Ayon sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) mahusay na naisakatuparan ng Parañaque ang pangongolekta ng buwis na pumalo sa P4. 8 bilyon noong 2019 na higit sa P4. 5 bilyong target tax collection.

Inilabas ni Niño Raymond B. Alvina, BLGF executive director, ang listahan ng top 10 na mga probinsya, lungsod at munisipalidad sa local revenue generation para sa fiscal year 2019.

Ibinase ang pagpili sa kanilang performance partikular sa larangan ng Nominal Locally Spurced Revenues (LSR) ; Collection Efficiency (CE) ng LSR at Year-On-Year Growth sa LSR.

Bunsod nito, pinuri ni Mayor Edwin Olivarez si Dr. Antnony Pulmano, city treasurer dahil sa masigasig na pangongolekta ng buwis noong 2019 at sa mahusay na performance sa tax collection sa nakalipas na 6 na taon.

“Since my first term in office, Pulmano and his team has introduced several innovative business processing system and tax reform measures in which the city became top in terms revenue collection, “ sabi pa ni Olivarez.

Aniya, dahil sa hindi matatawarang pamamalakad ni Pulmano sa pangonngolekta ng buwis, mula sa pagigimg isang ‘tulog’ na bayan sa nakalipas na 3 dekada, isa na ang Parañaque sa pinakamayamang lungsod sa buong bansa.

Nasa panglimang puwesto din ang Parañaque sa collection efficiency sa locally sourced revenues sa loob ng 2 taon kung saan umabot aa P6. 2 bilyon ang nakolektang buwis.

Tumanggap din ang Parañaque City at ibang local government units (LGUs) ng certificate of recognition sa mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin para mapanatili ang fiscal sustainability, economic growth at public service sa kanilang nasasakupan.

The post Parañaque, pang-anim sa pinakamayang lungsod sa Pinas first appeared on Abante Tonite.