PBBM tatapusin na state of calamity sa COVID-19

December 30, 2022 by No Comments

Nagdadalawang-isip si Pangulong Ferdinand Marcos kung kanya pang ipagpapatuloy ang dineklarang state of calamity dahil sa pandemyang sanhi ng COVID-19.

Wala na kasing nakikitang dahilan ang pangulo para palawigin pa ang state of calamity sa COVID-19.

“I’m still very, very hesitant to continue the state of calamity, to extend it because again we are not in a state of calamity anymore, technically speaking,” wika ng pangulo.

Gayunman, tiniyak ng pangulo na patuloy na ibibigay ng gobyerno ang mga nararapat na benepisyo para sa mga medical health worker kahit wala na ang state of calamity.

“And that is the wrong mindset to be approaching the New Year with. So we’re still trying to find ways to continue to provide the benefits to our medical health workers which is the main issue without the state of calamity,” sabi ng pangulo.

Samantala, inihayag din ni Pangulong Marcos na hahanapan nila ng paraan kung paanong tutugunan ang isyu tungkol sa mga biyaherong galing China na pumapasok sa Pilipinas.

Sa ngayon kasi ay patuloy ang pagsipat ng mga kaso ng COVID-19 infection sa China at pinangangambahang madala ito sa bansa ng mga biyahero.

“Yes, well we — as long as it’s based on science and we feel that there’s a need, we will do it. But again, it depends on what the true risk is to us,” tugon ng pangulo sa tanong kung magpapatupad ng paghihigpit sa mga biyahero.

“Kung naman it’s something that is manageable, then I’m sure we can find a way to — not completely close our borders to China but to find a way to have a procedure so that those coming from China who may have been exposed or who may have been infected will be tested and ‘yun lang naman ang ating inaalala,” wika pa ng pangulo.

The post PBBM tatapusin na state of calamity sa COVID-19 first appeared on Abante Tonite.