Problemado sa pera, dyowa; kelot nag-suicide

December 6, 2022 by No Comments

Tinuldukan na ng isang 29-anyos na lalaki ang bigat ng problema sa pera at kinakasama matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Navotas City.

Kwento ng binatilyong pamangkin ng 29-anyos na biktima, alas-11:45 ng tanghali, pumasok siya sa bahay ng tiyuhin nang mabungaran ang katawan nitong nakabigti gamit ang jumping rope na itinali sa kisame ng sala.

Mabilis itong isinugod sa Tondo Medical Center ng mga kaanak pero hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na madalas mag-away tungkol sa pera ang lalaki at ang kanyang ka-live in kaya nagpasya na lang ang una na tapusin na ang buhay. (Orly Barcala)

The post Problemado sa pera, dyowa; kelot nag-suicide first appeared on Abante Tonite.