Roni pambato ng Mandaluyong sa Miss Earth

June 12, 2021 by No Comments

NI: ROLDAN CASTRO
Gumagawa ng sariling pangalan si Roni Meneses.

Siya ay anak ng dating basketbolista at ngayon ay alkalde ng Bulakan, Bulacan na si Vergel Meneses.

Si Roni ay Miss Mandaluyong 2020 at sumabak sa Miss Philippines Earth July 25. Makikipagpukpukan siya sa 68 na kandidata.

Isinusulong niya ngayon ang environmental vegetarianism.

“Please continue to support me in this new journey.Kakayanin ‘to.Laban para sa kalikasan,” post niya sa Instagram.

Mahilig din sa sports si Roni. Nu’ng high school ay naglalaro siya ng volleyball at basketball.

Nagtapos siya ng BS Clothing Technology sa UP Diliman, Abala rin siya sa kanyang clothing brand na RM Couture and RM Kitchen.

The post Roni pambato ng Mandaluyong sa Miss Earth first appeared on Abante Tonite.