Royce Cabrera pahinga, sa bahay lamang ngayong Pasko

December 24, 2022 by No Comments

Bisperas ngayon at bukas ay araw na ng Pasko na kinasabikan ng buong mundo dahil dalawang taong mahigit tayong sinalanta ng COVID-19.

May pandemya pa pero di-hamak na mas maluwag na kumpara sa dati kaya mas malaya na tayong makakapag-celebrate ng Pasko.

Si Sparkle actor Royce Cabrera, matapos maging abala sa kaliwa’t- kanang proyekto tulad ng Magpakailanman, Start-Up PH at pelikulang Broken Blooms ay pahinga muna upang magdiwang ng Pasko kasama ang pamilya.

“Family lang po, tradition namin yun lagi na kumpleto kaming pamilya sa bahay, sama-sama,” ani Royce.

“Parents ko, lola ko, pinsan ko, simula sa lolo’t lola hanggang sa pinakabunso.”

Ilan ba ang kapatid ni Royce?

“Dalawa, pero half-sister tsaka half-brother, kasama ko yung half-sister ko, yung half-brother hindi e, kasi sa father side ko yun, bibisita na lang ako dun after Christmas,” sinabi pa ng hunky male star. (Rommel Gonzales)

The post Royce Cabrera pahinga, sa bahay lamang ngayong Pasko first appeared on Abante Tonite.