Smokey nakatanggap ng importanteng Christmas gift noong Agosto

January 6, 2023 by No Comments

Limang buwan na ang anak ng komedyanteng si Smokey Manaloto at sa kanyang Instagram post ay inihayag ni Smokey kung gaano niya kamahal ang anak na si Kiko.

Sinabi rin niya na napakasuwerte nila sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Kiko

Nangako rin si Smokey na gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng anak.

“Anak ko… five months na kitang kapiling… five months ka nang ngumingiti, tumatawa, humihikbi at, lumalambing sa amin ni Nanay. At sa bawa’t sandali na niyayakap ka namin, lalong lumalalim ang pagmamahal namin sa iyo. Napakaswerte namin ng nanay mo at binigay ka ni Lord sa amin… Asahan mo anak… gagawin ko ang lahat para maibigay sa iyo ang lahat ng kailangan mo at magabayan ka para lumaki kang masaya, magalang, mabait at may takot sa Diyos… i love you sooo much my “Kiko”… #firsttimedad #firstbaby #blessed #happiness #love”

August 4, 2022 ipinanganak si Kiko ng non-showbiz partner ni Smokey kaya naman sa isang post ng aktor ay sinabi niyang Agosto pa lamang ay nakatanggap na siya ng Christmas gift mula sa Panginoon. (Rommel Gonzales)

The post Smokey nakatanggap ng importanteng Christmas gift noong Agosto first appeared on Abante Tonite.