Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

December 7, 2022 by No Comments

Hindi umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA).

Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), sa inisyatibo ng Senado at bilang bahagi ng mandato ng Commission on Audit (COA).

Sa ilalim ng GAA, sinabi ng senador na may probisyon na nag-oobliga sa mga ahensyang may CIFs na magsumite ng regular na ulat sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa Pangulo.

Ang mga ahensya at tanggapan na may confidential fund ay obligadong magsumite ng quarterly accomplishment reports sa Pangulo at sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang intelligence funds ay ire-report din ng quarterly sa tanggapan ng Pangulo.

“There will be periodic meetings of the select oversight committee to assess whether these funds are being used wisely by the agencies involved,” ani Angara.

Nauna nang naghain si Senate President Juan Miguel Zubiri ng Senate Resolution 302 para sa pagbuo ng Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds. (Dindo ­Matining)

The post Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso first appeared on Abante Tonite.