Sunog sa Paranaque inabot ng 4th alarm

December 13, 2022 by No Comments

Madilim ang Pasko ng ilang pamilya sa Barangay Don Bosco, Paranaque City matapos lamunin ang apoy ang kanilang mga bahay na umabot pa sa ika-4 na alarma kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Paranaque City Bureau of Fire Protection, habang isinusulat ang balitang ito ay nasusunog pa ang residential houses sa Santos Compound, barangay Don Bosco, na nagsimula alas-3:25 ng hapon. Mabilis na kumalat apoy pagapang sa isang bangko sa Dona Soledad Avenue.

Habang lumalagablab ang apoy ay may mga pagsabog pang nagaganap.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pagbobomba ng tubig ng mga bumbero.

Wala namang iniulat na namatay, nasaktan o nawawala.

Inaalam pa rin ng mga bumbero ang pinagmulan ng sunog. (Betchai Julian)

The post Sunog sa Paranaque inabot ng 4th alarm first appeared on Abante Tonite.