Taas-presyo sa pagkain, trabaho problema ng mga Pinoy

December 9, 2022 by No Comments

Mayorya ng mga Pinoy ay bukambibig ang mataas na presyo ng mga bilihin kaya ito ngayon ang pambansang alalahanin na kailangang tugunan ng gobyerno.

Base ito sa inilabas na survey ng OCTA Research.

Kasama rin ang pagpapabuti sa suweldo at seguridad sa pagkain sa nangungunang tatlong alalahanin ng mga nasa hustong gulang na Pinoy na kabilang sa mga sinurvey.

Ayon sa trend, ang pag-aalala sa pamamahala ng inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay tumaas mula 52% noong Marso hanggang 57% nitong Oktubre.

Mula naman sa pinaka-concern noong 2021 na nasa 43% na pagkalat ng COVID-19 ay bumaba na sa 9%.

Samantala, ang kalusugan at kagalingan, ligtas na kabuhayan at magandang edukasyon, ayon sa pagkakabanggit, ay nangunguna sa mga kagyat na personal na alalahanin ng mga Pinoy.

Sinabi ng OCTA na bumaba ng 17% ang pag-aalala para sa ligtas na kabuhayan dahil sa posibilidad ng paglawak ng ekonomiya na lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho. (Betchai Julian)

The post Taas-presyo sa pagkain, trabaho problema ng mga Pinoy first appeared on Abante Tonite.