Kuryente serye sirit-presyo nakaamba

November 8, 2022 by No Comments

Namumurong tumaas ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre. Maliban dito, may paparating din umanong dagdag-singil sa mga susunod na buwan.

Sa ulat ng ‘TV Patrol’, ito’y matapos umanong maging pinal ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa mas mataas na generation charge na nangyari noon pang 2013.

Noong Nobyembre 2013, P3.44 per kWh ang tinatayang dagdag-singil sa generation charge dahil sa sabay-sabay umanong pagpalya ng maraming planta sa maintenance shutdown ng Malampaya facility.

Ang resulta umano ay sumirit ang presyo ng kuryente sa spot market, na hindi naipasa sa mga consumer noon dahil sa ipinatigil ng korte.

Tiniyak naman ng Meralco na hindi agad-agad ipatutupad ang dagdag-singil.

Ani Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, anumang adjustment o paggalaw sa kanilang rates ay nangangailangan pa ng pag-apruba ng regulator. (Issa Santiago)

The post Kuryente serye sirit-presyo nakaamba first appeared on Abante Tonite.