Bong Go bet pabugbog si Amores

November 12, 2022 by No Comments

Nadismaya si Senator Bong Go kaugnay sa panununtok ni Jose Rizal University’s (JRU) John Amores sa naganap na NCAA basketball game na kung saan ay pinababanatan din ang manlalaro na “dapat bugbugin din ang Amores na yan!”

Ayon kay Go, “bilang isang basketball player at mamamayang Pilipino, ito ang sagot ko: Dapat bugbugin din ‘yong John Amores na ‘yan. T*** **a na ‘yon.”

Giit pa ng senador na “Bilang committee chair on sports na po, formally. We promote sportsmanship,” dagdag ni Go. “Fan po ako ng basketball kaya nalulungkot po ako sa nangyari.”

Si Go ay chairman ng Senate Committee on Sports at kabilang sa dumedepensa sa pagpapa¬lakas ng pondo ng Philippine Sports Commission’s (PSC) at natutuwa sa ginawang suspensyon kay Amores ng NCAA subalit hindi pa umano sapat at kailangang bugbugin din na katulad ng ginawa niyang pananakit sa kapwa manlalaro.

Nagsampa naman ng kasong physical injuries sina Jimboy Pasturan at Taine Davis ng College of St. Benilde sa San Juan Prosecutors Office dahil sa ginawang pananapak ni Amores. (Vick Aquino)

The post Bong Go bet pabugbog si Amores first appeared on Abante Tonite.