Jake, Sean ibang putahe sa MMFF; masarap ang laplapan

December 4, 2022 by No Comments

Ibang putahe ang pelikulang “My Father, Myself” para sa Metro Manila Film Festival 2022 na magsisimula sa December 25. Handog ito ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

Hindi kailangan na puro adobo ang ihahain sa festival, kailangan din ng ibang klaseng pelikula na puwedeng pagpilian ng mga manonood. Kumbaga, hayaan natin magkaroon ng alternatibo ang mga moviegoers sa panonoorin.

Malakas ang laban ng pelikulang ito para humakot ng award ang obra ni Direk Joel Lamangan . Trailer pa lang ay kontrobersyal na. Nagulantang sila sa pasabog na eksena nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana at Tiffany Grey.

Takaw-pansin ang laplapan nina Jake at Sean. Sey ni Jake ay nagpakita rin siya ng puwet sa movie.

Hiling nina Jake at Sean, sana raw ay panoorin muna ang kabuuan ng kanilang pelikula bago manghusga dahil hindi lang naman ang halikan nila sa movie ang ibinebenta.

Inurirat si Jake kung masarap bang kahalikan si Sean.

“Well, basing from the reaction sa set namin at ni Direk Joel, he said it was a very good scene,” natatawa niyang pakli.

“So, I’ll just take that. Nung sinabi ni Direk Joel na very good yung scene, okay, I’ll take that. So, yun po,” dagdag pa niya.

Samantala sa mga bumabatikos sa “My Father Myself” ay may mensahe ang director at scriptwriter nito.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” deklara ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose.

Ang naturang pelikula ay prodyus nina Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz, Nicanor Abad at Bryan Dy.

The post Jake, Sean ibang putahe sa MMFF; masarap ang laplapan first appeared on Abante Tonite.

Tags: , , , ,