PBBM aminadong hindi kontrolado inflation

December 7, 2022 by No Comments

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na talamak at hindi na makontrol ang inflation kahit nakakabuwelo na ang bansa sa epekto ng COVID pandemic.

Sa kanyang talumpati sa forum na inorganisa ng Joint Foreign Chambers of the Philippines sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na naitala ang inflation sa 8 percent nitong Nobyembre.

Pero nilinaw ng Presidente na ang ugat ng inflation ay mula sa labas ng bansa at hindi dahil sa internal factors.

“Although our growth rate looks healthy, our foreign exchange has become a little stronger relative to other currencies, our unemployment rate is quite reasonable. However, on the other side of the coin, there is still inflation that is running rampant and out of control,” anang Pangulo.

Dagdag pa ni Marcos, natukoy na ng kanyang economic team ang pa­ngunahing ugat ng inflation—ang imported inflation.

Dahil dito kailangan, aniya, ang import substitution upang maibaba ang nararanasang mataas na inflation.

“So to aid the transition that we are talking about, I invite you to invest in key areas such as education and skillls training, digitalization of processes and research and development,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Meta: Sang-ayon si PBBM na talamak at hindi na makontrol ang inflation kahit nakakabuwelo na ang ‘Pinas sa epekto ng COVID pandemic.

The post PBBM aminadong hindi kontrolado inflation first appeared on Abante Tonite.