Tulfo nilantad higit P500K sahod sa Senado

January 4, 2023 by No Comments

Ipinakita ni Senador Raffy Tulfo na napaka-transparent niya padating sa kanyang nakuhang unang suweldo bilang isang mambabatas.

Sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Tulfo ang tseke na nakuha niya sa unang tatlong buwan na pagtatrabaho sa Senado.

Wika ni Tulfo, umabot sa higit P541,000 ang kanyang nakuhang sahod bilang isang senador.

Pero hindi sa kanya mapupunta ang kalahating milyon dahil tutuparin niya ang kanyang pangako na i-donate ito agad sa charity.

“Ito pong tsekeng ito, kung natatandaan n’yo po nung panahon ng kampanya, nag-promise po ako sa inyo na `yung first pay check ko ay ido-donate ko buong-buo sa charity,” lahad ni Tulfo.

Personal na in-encash ni Tulfo ang tseke para maibigay ang kanyang donasyon sa National Children’s Hospital at sa Philippine Children’s Medical Center. (Ray Mark Patriarca)

The post Tulfo nilantad higit P500K sahod sa Senado first appeared on Abante Tonite.