10K salot sa QC nalambat

November 22, 2022 by No Comments

Pumalo sa 10,174 katao ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na ring anti-criminality at anti-drug operations sa lunsod.

Inanunsiyo ito ni QCPD Director, PBGen.Nicolas Torre III kung saan ang operasyon aniya isinagawa mula Nobyembre 14 hanggang 20, 2022.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng may 81 suspek sa illegal drugs; 39 na Most Wanted Persons; 24 Other Wanted Persons; 61 sa illegal gambling; at 9,969 violators ng mga city ordinances gaya ng jaywalking, littering urinating/drinking/smoking in public places, at paglabag sa discipline hours para sa mga menor de edad.

Aniya pa, nakakumpiska rin sila ng kabuuang 103.57 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P704,276; 13 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at kush na nagkakahalaga ng P4,120; at mga drug paraphernalia. (Dolly B. Cabreza)

The post 10K salot sa QC nalambat first appeared on Abante Tonite.