129 pamilya sa Bicol hinagupit ng baha, landslide

December 20, 2022 by No Comments

Nasa 129 pamilya o 423 katao ang inilikas sa mga probinsya ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay sa Bicol kasunod ng pagbaha dahil sa malakas na ulan mula sa northeast monsoon at shear line.

Sinabi ni Gremil Alexis Naz, Office of Civil Defense 5 (Bicol) spokesperson, na ang Camarines ay may pinakamaraming evacuees na nasa 125 pamilya.

Nasa 62 flooding incidents naman ang naitala sa 14 na local government units sa Camarines Norte, Camarines Sur at Naga City.

“Three landslide incidents were reported in the provinces of Camarines Norte and Albay due to the heavy rains spawned by the weather disturbance,” sinabi ni Naz.

Pitong national roads sa Sipocot, Lagonoy, Goa, Tigaon at Garchitorena ang hindi madaanan habang sinuspinde ang ilang klase sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Naga City. (Catherine Reyes)

The post 129 pamilya sa Bicol hinagupit ng baha, landslide first appeared on Abante Tonite.