2 drug den nabuwag; lola, 7 pa bagsak

January 9, 2023 by No Comments

Walong drug suspects na kinabibilangan ng 68-anyos na lola ang dinampot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang nabuwag na drug den sa Central Visayas, ayon sa report nitong Lunes.

Kinilala ni Leia Alviar Alcantara, PDEA-7 public affairs chief, ang nadakip sa unang nabuwag na drug den sa Barangay Duljo-Fatima nitong Linggo na sina Bebie Alya alias “Nanay”, 68, umanoy maintainer, Arnulfo Laresma, 56, at Joy Labaya, 41.

Nasamsam ng PDEA sa mga suspek ang 19 na pakete ng shabu na humigit-kumulang 12 gramo na nagkakahalagang P81,900, buy-bust money at iba’t ibang sniffing paraphernalia.

Noong Enero 6, nabuwag din ng PDEA-7 ang isang drug den sa Barangay Mambaling at inaresto ang hinihinalang maintainer na si Rogelio Camilo Jr., alyas “Butchoy”, 46, gayundin ang apat na hinihinalang mga kliyente na sina Christ Jay Abellanosa, 27; Juvelyn Tabalin, 30; Pacito Jorge Campos, 36, construction worker at Ramon Tabalin, 55.

Nakumpiska sa operasyon ang 7 pakete ng shabu na nasa 10 gramo at nagkakahalagang P68K, perang ginamit sa buy-bust at sniffing paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. (Dolly Cabreza)

The post 2 drug den nabuwag; lola, 7 pa bagsak first appeared on Abante Tonite.