2 lolo na taga-Davao, Baguio unang bisita sa Zoo

November 22, 2022 by No Comments

Taga-Davao City at Baguio City ang unang dalawang bisita na pumasok kahapon sa unang araw na pagbubukas ng bagong rehabilitasyon na Manila Zoo.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, sa ginanap na Balitaan sa Harbor View sa Maynila, lumuwas sa Maynila ang lalaki at ang Manila Zoo ang kanyang unang pinuntahan.

Habang ang matandang lalaki mula sa Baguio City ay lumuwas kasama ang kanyang apo para ipasyal ang bata sa Manila Zoo.

“Mayroon pa din taga-Bulacan na dumayo pa sa Maynila para makapasyal sa Manila Zoo,” ani Lacuna.

Kasabay nito, sinabi ni Lacuna na naibigay na nila ang lahat ng diskuwento sa senior citizen, non-Manilans at Person with Disability.

“Napakababa na nun kasi sa iba P600, P500 e baka kung napakababa ay ma-COA naman kami, ayon yun sa batas,” saad ng mayora.

Sinabi ni Lacuna na sulit naman ang bayad kapag nakapasok sa Manila Zoo dahil sa mga bagong attractions na makikita sa loob ng Zoo. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 2 lolo na taga-Davao, Baguio unang bisita sa Zoo first appeared on Abante Tonite.