2 suspek sa Caliraya Lake holdup-rape nasakote

November 14, 2022 by No Comments

Timbog ng mga pulis ang dalawag suspek na nangholda at nambugbog sa magkasintahang namamasyal sa Caliraya Lake sa Lumban, Laguna at gumahasa pa sa babaeng biktima noong Biyernes ng gabi.

Sa follow-up operation noong Sabado ng umaga natimbog sa checkpoint ang mga suspek na sina Danilo Barimbad Jr., 38, construction worker, at Joseph Delos Reyes, 35, isang welder. Parehong taga-Lumban ang mga suspek.

Nasakote sila matapos tumugma sa deskripsyon ng sasakyang ginamit sa krimen ang tricycle na sinasakyan ng dalawa nang parahin sila ng mga pulis.

Sa patuloy na imbestigasyon sa bahay ng dalawang suspek, inaresto rin ang magkamag-anak na live in partner nila na sina Arlene De Leon at Maria Rodelia De Leon matapos makumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang cellphone na pag-aari ng mga biktima.

Narekober din sa mga suspek ang pares ng tsinelas ng magkasintahan at ang isang replica ng maiksing baril na ginamit sa panghoholdap. (Ronilo Dagos)

The post 2 suspek sa Caliraya Lake holdup-rape nasakote first appeared on Abante Tonite.