2 tulak timbog sa Antipolo buy-bust

November 13, 2022 by No Comments

Inaresto ng mga pulis ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Jhunie Ortega at Jhay-Ar CaƱete, kapwa residente ng Sitio Onday, Barangay Muntindilaw, Antipolo City.

Nasakote sila bandang alas-kuwatro ng hapon noong Sabado, Nobyembre 12, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong plastic sachet na naglalaman ng 12 gramo ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention cell ng Antipolo City Police at kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

The post 2 tulak timbog sa Antipolo buy-bust first appeared on Abante Tonite.