3 barangay sa Bulacan binaha

January 7, 2023 by No Comments

MAHIGIT 2,000 mga residente mula sa tatlong barangay sa Bulacan ang inilikas dahil sa pagbaha bunsod ng pagpapakawala ng tubig mula sa Angat at Ipo dams.

Ang dalawang dam ay siyang nagsu-supply ng 90% ng tubig sa Metro Manila.

Nagpakawala ng tubig ang Angat at Ipo nitong Biyernes, ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kahapon ay nagbukas ang Angat Dam ng tatlong gates sa 8.5 meters, habang ang Ipo Dam ay may anim na gates na bukas sa 9.2 meters.

Hanggang alas-otso ng umaga kahapon, ang lebel ng Angat dam ay nasa 214.80 metro kontra sa 212 meters na normal water level.

Ang water level sa Ipo Dam ay nasa 101.04 meters kumpara sa spilling level na 101.00 meters habang ang water level sa Bustos Dam ay 17.42 meters sa spilling level ng 17.00 meters.

Sinabi ni Grace Osido, information officer ng municipal government sa Norzagaray, na ang mga barangay na Matictic, San Mateo at Poblacion ang binaha. (Catherine Reyes)

The post 3 barangay sa Bulacan binaha first appeared on Abante Tonite.