3 sa motorsiklo sinalpok ng bus, tigok

January 11, 2023 by No Comments

Tatlong magkakaangkas sa motorsiklo ang nasawi matapos masalpok ng pampasaherong bus sa Maharlika highway, Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Ayon sa report ng Sariaya police, agad nasawi ang driver at isa sa dalawang backrider.

Lunes naman ng tanghali nang masawi ang isa pang angkas sa ospital sa Lucena City.

Sa imbestigasyon, alas-onse Linggo ng gabi nang mangyari ang salpukan ng motorsiklo at biyaheng Bicol na bus na biglang lumiko sa gitna ng highway patungo sa isang eatery.

Hindi na ito naiwasan ng kasalubong na motorsiklo.

Pawang walang suot na helmet ang mga biktima kaya nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Kinustodya naman ng Sariaya police at kinasuhan ang driver ng bus na si Anthony Pasabillo, 46-anyos. (Ronilo Dagos)

The post 3 sa motorsiklo sinalpok ng bus, tigok first appeared on Abante Tonite.