4-anyos nabaril ng erpat

November 22, 2022 by No Comments

Patay sa bala ng sariling ama ang isang bata nang aksidenteng pumutok ang baril ng una at nasapol ang anak sa Calanasan, Apayao.

Sa ulat kay PCol. Jefferson Cariaga, Provincial Director ng Apayao Police Provincial Office o APPO, nangyari umano ang insidente habang nililinis ng ama ang kanyang baril na aksidenteng pumutok.

Tumagos umano ang tingga sa dingding at nasapol ang 4-anyos na anak na noo’y naglalaro.

Lumitaw na walang kaukulang papeles ang baril ng suspek.

The post 4-anyos nabaril ng erpat first appeared on Abante Tonite.