4 durugista nabulaga habang bumabatak

November 18, 2022 by No Comments

Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang apat na kalalakihang nabulaga matapos salakayin ang isang drug den kung saan kasama sa nabitag ang maintainer nito sa Valenzuela City kamakalawa.

Sa report kay PCol. Salvador Destura Jr., kinilala ang nasakoteng sina Anthony Dalida, 42, itinuturong maintainer ng drug den; Reynadol PJ Tadaya, 28; Mark Anthony Buan, 32 at Randy Peteza, 34.

Ayon kay Col. Destura, ilang buwan ding minanmanan ng mga tauhan ng SDEU ang sinasabing drug den ni Dalida sa Villa Barreto, Barangay Canumay, West, Valenzuela City.

Kamakalawa ng alas 7:30 ng gabi, ikinasa ang pagsalakay at huli sa akto ang apat na bumabatak ng shabu.

Nasamsam ng mga pulis ang kabuuang 17 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Kwento ng mga kapit-bahay ni Dalida, ibat-ibang mukha daw ang nagpupunta sa bahay ng una para lang bumatak at ginagawang puwestuhan ang nasabing bahay. (Orly Barcala)

The post 4 durugista nabulaga habang bumabatak first appeared on Abante Tonite.