5K pulis ipoposte sa Pista ng Nazareno

January 3, 2023 by No Comments

Nasa may 5,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng 3,000 puwersa ng Manila Police District (MPD) at 2,000 augmentation force mula sa iba’t ibang unit ang magbabantay para sa seguridad sa kapistahan ng Poong Itim Nazareno sa Enero 9 sa Maynila.

Ayon kay MPD Director PBGen Andre Dizon, gaganapin ang send off ceremony sa Enero 5, sa may Quirino Grandstand, ganap na alas-tres ng hapon.

Ang mga pulis ay itatalaga sa Quirino Grandstand kung saan magsisimula ang Walk of Faith at sa bisinidad ng simbahan ng Quiapo.

Nabatid na walang ipuprusisyon na replika ng Itim na Nazareno at walang magaganap na Traslacion.

Tiniyak naman ni Dizon na nakalatag na ang seguridad sa nabanggit na kapistahan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 5K pulis ipoposte sa Pista ng Nazareno first appeared on Abante Tonite.