Alden kakarerin  ang pagiging produ

January 1, 2023 by No Comments

Kasisimula pa lang ng 2023 pero napakarami nang plano ng Asia’s Multimedia Star para sa kanyang career at negosyo.

Pinag-aaralan pa niya ang isang movie project na pang-international release, gayundin ang TV project na kanyang gagawin. Binabalak din niyang mag-produce ng malalaking concerts this year.

Matatandaang nagtayo ang aktor ng Myriad Corporation na isa sa mga producers ng successful reunion concert ng kilalang OPM band na Eraserheads.

Sa ngayon ay kasado na raw ang next project ng Myriad at ito ay isang esports tournament na gaganapin ngayong Enero. Ito na raw ang pinakamalaking gaming tournament sa bansa naglalayong magbigay ng exposure sa mga Filipino gamers.

“Ipina-pattern ko siya sa mga current tournaments na meron tayo dito sa atin, sa bansa natin. Sobrang tedious, sobrang ano, sobrang hirap niyang gawin pero nae-excite ako sa mahirap, eh. ‘Yung kinakaban ka kung mapu-pull off mo ba siya,” sey ni Alden sa panayam ng GMA-7.

Bagama’t hindi raw naging madali sa kanya ang nakaraang taon, thankful daw siya dahil marami rin siyang natutunan.

Mas na-explore raw niya nitong 2022 ang mga bagay na gusto niyang gawin sa kanyang career bilang aktor at entrepreneur. Pero siyempre ay may kapalit din itong paghihirap.

“Hindi naman talaga lagi smooth sailing ‘yung buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day may mga learnings ako roon. So I’m very grateful for it. And I have to admit, hindi naging madali ‘yung 2022,” aniya.

Pero kahit mahirap ay masaya naman daw siya na nagawa niya ang mga bagay na akala niya’y hindi niya magagawa. Kaya payo rin niya sa lahat, matuto tayong kumawala sa comfort zone.

“‘Yung kaba, ‘yung nervousness, ‘yun ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo,” he said.

The post Alden kakarerin ang pagiging produ first appeared on Abante Tonite.