Babaeng foreigner Cameroonian buking sa pekeng passport

November 23, 2022 by No Comments

Isang babaeng Cameroonian na nagpakita ng pekeng pasaporte para sa extension ng kanyang visa ang dinakma ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat na ipinarating ni BI SM Aura Satellite Office Chief Evita Argene Mercader, nahuli si Irene Lekeayi Nyiwung, 31, nang tangkain nitong mag-apply ng visa extention gamit ang pekeng pasaporte.

Ayon sa ulat, napansin ng mga tauhan ang malalaking hindi pagkakapare-pareho sa pasaporte ni Nyiwung, natuklasan ng laboratoryo ng forensic documents ng BI at kinumpirma na ang pasaporte ay huwad.

Ikinatuwa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagharang at pag-aresto at pinaalalahanan ang mga tauhan ng imigrasyon na manatiling mapagbantay.

Dinala si Nyiwung sa intelligence division ng BI para sa karagdagang imbestigasyon at booking, at pansamantalang ikukulong sa BI sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. (Mina Navarro)

The post Babaeng foreigner Cameroonian buking sa pekeng passport first appeared on Abante Tonite.