Cedric petisyon vs Vhong basted sa CA

November 8, 2022 by No Comments

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyong inihain ng negosyanteng si Cedric Lee na humihiling na ibasura ang kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host at actor na si Vhong Navarro noong 2014.
Sa 12 pahinang desisyon ng 17th division ng CA na may petsang Oktubre 28, kinatigan nito ang kautusan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 na nagbasura sa mosyon ni Lee.

“Finding no grave abuse of discretion on the part of the trial court, the instant petition must be dismissed,” ayon sa desisyong pinonente ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo-Sale.

Magugunitang si Lee at ang kanyang grupo ay inakusahan ng ilegal na pagdetine at pambubugbog kay Navarro. Kabilang sa mga akusado ang kapatid na babae ni Lee na si Bernice, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero, Sajed Fernandez Abuhijleh, at ang modelong si Deniece Millinette Cornejo.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Lee na ang Taguig RTC ay nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion amounting to
excess jurisdiction’ nang ibasura ang kanyang mosyon. Hindi naman ito kinampihan ng CA. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Cedric petisyon vs Vhong basted sa CA first appeared on Abante Tonite.