Dalaga inumbag ng tomador na erpat

November 18, 2022 by No Comments

LANGO pa sa alak nang arestuhin ang isang ama nang gulpihin nito ang dalagang anak sa Tanza, Cavite Miyerkules ng gabi.

Ginagamot ngayon ang 21-anyos na dalaga dahil sa tinamong mga sugat sa katawan na kagagawan ng sariling ama na si Jimmy Armonia y Hayag, 52, ng Brgy Paradahan 2, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Emerson De Ocampo, ng Tanza Police Station, bago ang pananakit ng suspek sa dalagang anak ay nagtalo ang dalawa na hinihinalang dahil sa paglalasing nito.

Nagalit ang ama at nagwala sa loob ng bahay at ginulpi ang kanyang anak dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi.

Natigil lamang ang pananakit nang rumesponde ang mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. (Gene Adsuara)

The post Dalaga inumbag ng tomador na erpat first appeared on Abante Tonite.