Dalagita ginahasa ng guwardiya

January 7, 2023 by No Comments

Sa kulungan pinulot ang isang security guard makaraang halayin ang 15-anyos na dalagita sa Navotas City kahapon ng hatinggabi.

Nahaharap sa kasong rape in Relation to R.A. 7610 (child abuse law) si Felix Salvador, 33, may live-in partner, ng Mandaluyong City.

Kwento ng biktima na itinago sa pangalang Cora, lumabas siya ng bahay para bumili ng pagkain sa Bakoko Street, Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas City, alas-dose ng hating gabi.

Nakita siya ng suspek at tinawag saka inaya sa construction site na binabantayan ng sekyu.

Dahil kakilala, sumama naman ang dalagita at doon na siya pinagsamantalahan ni Salvador.

Ayon sa biktima, nagmakaawa pa siya sa suspek pero nagpatuloy pa rin ito hanggang sa makaraos.

Pag-uwi ay ipinagtapat ng dalagita sa mga magulang ang sinapit kaya agad isinuplong ang suspek sa mga tauhan ng Sub-Station 4 (SS-4) ng Navotas Police na ikinaaresto nito.

Katwiran ng suspek, kusa daw ipinagkaloob sa kanya ni Cora ang sarili dahil may relasyon umano sila. (Orly Barcala)

The post Dalagita ginahasa ng guwardiya first appeared on Abante Tonite.