Didat Hanapi, Adamson Soaring Falcons kakayod

November 23, 2022 by No Comments

STANDING
TEAM W L
x-UP 10 2
x-NU 9 3
y-AdMU 8 3
AdU 5 6
DLSU 5 6
UE 4 8
FEU 4 8
z-UST 1 10

x – Final Four
y – playoff spot
z – eliminated

Mga laro ngayon (SM Mall of Asia Arena, Pasay)
11 am – UST vs UP
1 pm – NU vs DLSU
4:30 pm – AdMU vs UE
6:30 pm – FEU vs AdU

Lalagare pa si Didat Hanapi at Landa Douanga ng Adamson Soaring Falcons upang mapaamo uli ang FEU Tamaraws sa third game ng quadruple-header ng 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tourney second round elims ngayong Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Galing sa 74-64 win sa UE Red Warriors noong Linggo sa likod ng 13 points nina Hanapi at Douanga, uulitin ng katabla sa pang-apat na AdU (5-6) ang first round elims win sa kasalo sa pang-anim na UE (4-8) sa alas-6:30 ng gabi upang manatili sa kontensyon sa huling silya gaya ng La Salle Green Archers (5-6).

Kasalpukan ng DLSU (5-6) ang sumesegundang NU Bulldogs (9-3) sa ala-1:00 ng hapon.

Sasabak sa alas-4:30 ng hapon naman ang tumeterserang Ateneo Blue Eagles (8-3)-pumang-anim na UE (4-8), at ang lider na UP Fighting Maroons (10-2)-nasa ilalim na Santo Tomas Growling Tigers (1-10) sa alas-11:00 ng umaga. (Gerard Arce)

The post Didat Hanapi, Adamson Soaring Falcons kakayod first appeared on Abante Tonite.