DonBelle buking ang relasyon

November 11, 2022 by No Comments

Sobrang saya raw nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil nakasama sila sa ASAP Las Vegas last Nov. 5. Sa interview nila sa vlog ni Manny The Movie Guy, sabi ng aktor, ” That was fun. That was our first ASAP out of the country. It was our first time seeing ASAP with an audience.”

Last few weeks lamang ay galing sa Los Angeles ang dalawa for a series of shows. Kaya naman marami ang nagsasabing sila na nga ang paboritong loveteam ngayon ng Kapamilya. Kilig naman ang mga fans sa kanila dahil hindi man sabihin ay buking naman daw na may relasyon na ang dalawa. Wala kasing pagkakataong hindi sila nakaholding hands.

Tekla, Donita gimik ang giyera

Sa vlog ni Ogie Diaz ay tinalakay ang pag-aaway muli nina Tekla at Donita Nose o mas kilala sa kanilang tandem bilang DoNekla. Pero marami raw ang di kumbinsido sa awayang ito dahil wala naman malinaw na kuwento kung bakit sila nag-aaway muli. Puro akusasyon lamang naman daw. True enough na malamang malaking gimik ito dahil matapos maghiwalay ng landas ay balik muli ang DoNekla sa pagba-vlog. Okay naman daw ito pero sana raw ay magbago na si Tekla. Nasasayangan daw si Ogie sa laki ng following at engagement ng dalawa sa social media.

META: Marami ang di kumbinsido sa awayan nina Tekla at Donita Nose dahil wala naman malinaw na kuwento kung bakit sila nag-aaway muli. Puro akusasyon lamang naman daw. True enough na malamang malaking gimik ito.

**
2 Ninoy movie salpukan

Kung naging maingay ang salpukan ng Katips at Maid In Malacanang nung una, magpapatuloy pa rin daw ito. Sa iisang tema na naman ng pelikula magkakatalo na iikot sa kwento ni Ninoy Aquino. Ang latest namin nasagap, may edad na raw gaganap as Ninoy sa pelikula ni Darryl Yap, samantalang young actor ang gaganap bilang Ninoy kay direk Vince Tanada. Nagulat din kami na kasama sa nasabing pelikula ang anak ng natalo ring presidentiable .True kaya ito?

The post DonBelle buking ang relasyon first appeared on Abante Tonite.