Ecstasy sa mga box ng kendi nasabat

December 15, 2022 by No Comments

Tinatayang aabot sa P8,700.600.00 halaga ng ecstasy ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport kamakalawa.

Nadiskubre ng Inter Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng BOC ang apat na parcels na naglalaman ng 5,118 tabletas na may kasamang 314 vape cartridges at candies-gummies infused na may THC.

Nabatid na ang mga droga ay naka-consign kay Edsel Rellores Villares, ng Manggahan Pasig City at ang shipper nito ay si Juan Rellores Villares, na may Tracking no. CW 076757170FR.

Ang tracker CH 152 810 580 US naman na dineklarang candy box ay pinadala ni Cole Johnson, ng 901 Eden Road, Lancaster, PA, USA at naka-consign kay Meray Yamada, ng Bayanihan Village, Barangay BF Homes, Parañaque City.

Ang pangatlong parcel ay pinadala ni John Baker, ng 1000 Park Avenue, South Pasadena, CA.91030 at naka-consign kay Katrina Isabelle Jimenez, ng 1420 Perdigon Street Paco, Manila.

Habang ang huling parcel na may tracking no. CM 289367139 US na pinadala ni Clare Vance, ng 171 Live Oak Ave. Arcadia CA. 91006 ay nakapangalan kay Edward James Yulo, ng Adriatico, Malate. (Otto Osorio)

The post Ecstasy sa mga box ng kendi nasabat first appeared on Abante Tonite.