Electrician todas sa sariling shotgun

January 11, 2023 by No Comments

TODAS ang isang electrician nang aksidenteng mabaril sarili gamit ang shotgun sa Sitio Tagaytay, Barangay Lingat, Bantay, Ilocos Sur, Martes ng gabi.

Sa report ng Police Provincial Police Office-Region 1, kinilala ng Bantay Police Station (BPS), ang biktima na si Agapito Pula Jr, 48, ng nasabing sitio.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente alas-10:04 ng gabi sa bahay ng biktima.

Sinabi ng BPS, ayon sa anak ni Pula Jr. na si Jay-Ar, umuwi ang kanyang tatay (biktima) na lasing at kinuha ang hindi lisensiyadong shotgun, na gagamitin daw nitong pang-hunting ng ibon.

Ilang minuto lang, nakarinig ng putok si Jay-Ar at nakitang nakahandusay ang ama dahil sa tama ng shotgun.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Electrician todas sa sariling shotgun first appeared on Abante Tonite.